Wednesday, April 8, 2009

Matalik na Kaibigan (Chapter 01)

“Sandali nalang, magkikita na kami…”

Habang nasa byahe si Astrid, bumabalik ang lahat ng mga alaala nya, yung mga masasaya at mga kalimot-limot na nakaraan nilang dalawa ni Christian. Matagal na din nung huli sila magkita. Madami na ang nagbago, sa kanya, sa buhay nya.

Magkaibigan sila simula pa nung college. May communication pa din naman silang dalawa, kahit na nga hindi sila nagkikita. Masasabi nyang si Christian and pinaka malapit na kaibigan nya. Lahat pwede nya sabihin dito at alam nyang hindi sya papabayaan nito, lalo na pag kailangan nya ng isang kaibigan pag dumadating ang mga panahon na nawawalan na sya ng pag-asa.

Madami nadin silang pinag samahan. Mga bagay na hindi alam ng iba pa nilang mga kaibigan. Basta ang alam ni Astrid, pag nandyan si Christian, Masaya na sya… animado naman sya sa sarili nyang mahal nya si Christian, higit pa sa kaya nitong ibigay. Dahil ang totoo nyan, hanggang sa pagiging matalik na mag kaibigan lang ang meron sila.

Para kaya Astrid, ayos na ang makita nya si Christian sa araw-araw, ang maka-usap ito, makita ang mga ngiti nito, makasabay sa paglalakad, makasama sa pag-gawa ng school works, maging part sya ng buhay nito kahit na sa simpleng paraan lang. May mga bagay din silang napagkasunduan, mga pangako nila sa isa’t-isa, mga plano nila.

Si Christian kasi ang first love ni Astrid... Natututo syang magmahal sa paraang alam nya. Naintidihan nya ang mga meaning ng tinatawag nilang unconditional love dahil sa pagmamahal nya dito at hindi lang sa mga nababasa nya at naririnig nya.

Hindi naman umaasa si Astrid na mamahalin din sya ni Christian. Ang mahalin si Christian ay tama na para sa kanya.

Alam naman ni Christian ang tunay na nararamdaman ni Astrid. Sa katunayan nyan kahit naman kasi hindi sabihin ay nakikita at nararamdaman nya ito. Dumating din naman ang araw na sinabi ni Astrid sa kanya ang tungkol dito.

Ngunit isa lang talagang matalik na kaibigan si Astrid.

Sa paglipas ng panahon, natutunang itago at itanggi ni Astrid ang nararamdaman nya para kay Christian. Nagsimula sya ng panibagong buhay, ang buhay na hindi kasama at kabilang si Christian. Nakayanan nyang harapin ang bawat araw na hindi ito nakikita, natutunan nya din itong alisin sa isip nya, sa tuwing may mga bagay na makakapag-paalala sa kanya kay Christian.
Natutunang kalimutan ng isip nya si Christian.

Sa tuwing masasaktan si Astrid, lagi nya lang sinasabi sa sarili na: “okay lang yan Astrid, kaya mo yan... ikaw pa...” may mga pagkakataon din na gusto nya ng puntahan si Christian at umiyak dito, kagaya ng ginagawa nya dati... Iba kasi pag kay Christian sya umiiyak, may mga simpleng bagay na nagagawa si Christian na malaki ang naitutulong sa kanya.

Iba kasi si Christian sa lahat.

Pero iba na din kasi ngayon... Nag bago na ang lahat...

Hindi na nga nya masayadong kilala si Christian. Hindi nya alam kung katulad pa din ba sya ng dati… Hindi nya din alam kung bakit at papano sya napagbigyan ng pagkakataon na makita itong muli.

At ilang minuto nalang magkikita na ulit sila. Makakasama nya na ulit ito, kahit na sandali lang. Makakausap at makikita ang mga ngiti nito.

“Kamusta na kaya si Christian? Na-miss nya din kaya ako? Katulad pa din kaya sya ng dating Christian na kilala ko...”

Hindi nya alam kung tutuloy pa ba sya o babalik sya pauwi. Habang naglalakad sya papunta sa napagkasunduan nilang lugar kung san sila magkikita, hindi sya makapas-isip ng maayos. Hindi nya alam kung papano sya magre-react, katulad pa din ba ng dati? o yung tipong casual lang silang magkakilala... Hindi nya alam.

“Astrid?”

“Chris?”

Yun pala ang pakiramdam ng matagal mo hindi nakita ang taong pilit kinalimutan ng isip mo at sya namang laman ng puso mo...

May mga bagay din na ipinagbago si Christian. Pero pag iisiping mabuti, ganun pa din sya.Ang Christian na nakilala ni Astrid.

Ang Christian na matalik nyang kaibigan.

Ang Christian na Mahal nya...

Pero may mga bagay na hindi na din magbabago.

Dahil si Astrid pa din ang kaibigan ni Christian.

Ang Matalik na Kaibigan nito...

No comments: