Friday, August 1, 2008

Thank's Ate Che...

I don't know how to start this blog... but here it goes.

I had a chance to chat with ate Che kanina, she's my college best buddy's sister. i miss her na din... I'm so happy for her, she have a nice life, good hubby, and she's nice.

Nadagdagan na ngayon ng isa pang goal ang buhay ko...

"Pupunta ako sa UK, to visit her and kuya tantan."

That would be really nice... to see other part of this world... and to see her na din. she'll be home next year, so next year pa kami magkikita. pero who knows di ba?

But before all of that, aayusin ko muna ang sarili ko... kasi yun ang dapat at tama...

Sasabay ako kay Panget pag bumalik sya dun... para mas makulit at mas magulo... :D


-----------------------------------------------------------------------------------------------------


Ka-chat ko din si Chan-Chan kaninang tanghali... Nice to have him... i miss my friends na... i need them ngayon... just to have some shoulders to lean on pag medyo windang na ako... at ngayon yun... alam ko na sinabi kong kakayanin ko toh mag-isa, pero hindi din naman masama ang may friends na makasama paminsan-minsan eh... si Jason, aka. Pangs... miss ko na din sya... kasi dati, nasasabihan ko yan ng mga problems... Si Eunice, Si Jecy, Si Dru.

I badly need them... and I'm glad na nandyan sila, kahit malayo, nandyan pa din...

Naka-usap ko din si Panget, okay naman sya. work sya sa Rockwell ngayon, may project yata dun. good for him. I'll see him soon.

Naaalala ko pa dati, pag hindi ko na kaya... Sinasalo nya ako, si Panget. pero ngayon iba na eh, kailangan ko harapin ang problema ko ng ako lang... yung tipong hindi si Panget ang gagawa ng paraan para sa akin. mali din kasi ako dati, umasa kasi ako sa kanya...

Tsaka kailangan ko patunayan ang sarili ko, ng ako lang... na maipakita, maiparamdam, mapatunayan ko kay Rico na...

Mahal Ko Sya...

Mahal Ko si RICO...

Ito na yung huling chance ko... at hindi ko toh uurungan...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------


May nakapag sabi sa akin kanina: "Hanggang kelan mo ba papatunayan ang sarili mo?"

Tama sya...

Alam ko ang mga pagkakamali ko... at itutuwid ko yun...

Sa tamang paraan...

Salamat Ton...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------


May check up ako with my psychiatrist this august, to check if kailangan baguhin meds ko for depression... and kung ano pa kailangan ko e-take...

Kanina, hindi ko na alam ang gagawin ko... ang lungkot kasi... nandun yung puntahan ko si aryz, makipag laro sa kanya at kay tyx, ang manood ng tv (sa kwarto, kina mami yan, kina mama belen), ang mag net, magpunta sa cr para umiyak, mag psp...

Pero malungkot pa din...

kaya ito, mag blog nalang... okay naman ako, konti. atleast okay pa din...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------


Thanks Ate Che ha...

I'll see you and your hubby. :D