Wednesday, May 20, 2009

Eto Nanaman ako… “Tsayldhud Memoris Part Wan”

Ala una na, pasado ala una na sa orasan ng laptap ko na, pangalawang beses ko nang binuksan dahil sa iisa nanamang dahilan, “HINDI AKO MAKATULOG”.
Hay naku, ito nanaman ang isa sa libo-libong gabing puyat ako.

Kanina, sa dahilang ayoko mag blag, kinuha ko ang isa nanaman sa mga libro ko, meron kasi akong tatlong libro na matagal ko nang nabili at ngayon ay hindi ko pa natatapos basahin. Ngayon lang nangyari to sa buong buhay ko. Madalas kasi, pag may binili akong libro, binabasa ko na kagad at hindi ko tatantanan hanggang hindi ko natatapos.

Ang una kong binili sa tatlong yun ay yung sa paborito kong tagasulat na si Paulo Coelho, ang pamagat ay “The Witch of Portobello”, ang sumunod ay isinulat nya din, “The Devil and Miss Prym” ang pangatlo ay yung kay Sophie Kinsella na “The Undomestic Goddess”. Tuwing nasa wanport na ako ng mga libro, itinigitil ko na ang pagbabasa… Para lang talaga akong tanga.

Kaya kanina, kinuha ko yung The Devil and Miss Prym, kasi ngayong magdamag sana ay tatapusin ko na, pero naisipan ko mag blag, ewan ko ba at gusto kong gawing tagalog naman ang mga blag ko (walang pakialaman, dahil mahina daw ako sa Pilipino sabjek dati, kaya ito magtatagalog ako hanggang gusto ko.)

Naiinis kasi ako, ay hindi, galit ako. Basta galit ako. Piryud.

Para lang kasi talaga akong tanga… Una ko narinig ang ekspresyon na yun sa kuya ko. Natuwa ako, kaya madalas ko na din gamitin. Madalas ngang ekspresyon ko ngayon: “Ang bobo mo talaga sa ro por…” naku, piling ko naman ang talino ko. Pero iniisip ko nga minsan, napaupo kaya ako sa las ro dati? Kasi dun sa pinasukan kong paaralan dati, kung hindi sa apelyido ay sa hayt ang pinagbabasihan ng pwesto ng uupuan mo.

Naalala ko tuloy nung nag kinder wan ako sa SIC noon, lagi kasi ako binibilin ng mama ko sa kuya ko na titignan nya ako palagi sa klasrum namin, greyd tu na ang kuya ko noon, nung minsan hindi nya ako nakita habang nagkaklase kami, nag alala sya, kaya tinignan nya ako sa labas ng iskul namin, ang tawag namin dun ay patyo, at ayun, sa loob ng serbis namin ay naglalambitin ako na parang unggoy, at nung pinuntahan nya ako, ang sabi ko daw e: “Ayoko pumasok, baka iwanan ako ng serbis natin…” yun ang unang araw na nag kat klas ako, batang-bata di ba?. Pasaway talaga ako, dahil inulit ko pa yun, nung minsan, nagalit na ang mama ko, kaya nag tray sya na ihatid ako sa iskul, nahirapan silang papasukin ako sa iskul nun, iyak ako ng iyak, hanggang sa hinatak na ako ng titser kong si Misis Suarez sa loob ng iskul, binitbit nya ako ng isang kamay lang, kaya ayun nagkaron ako ng pilay simula noon. Ang totoo kasi nun, natatakot ako, hindi sa titser ko o sa mga kaklase ko, dahil mababait naman silang lahat, eksep nalang syempre dun sa ibang masarap suntukin ng dalawa, tamang takot lang ako, ikaw ba naman ang siks yirs old lang at mag byahe ng portin kilamiters papunta at portin kilamiters pabalik. Pero simula nung nangyari yun, ayos na ako, hindi na ako nagka-kat ng klase.

Bigla ko lang naman naalala ang kabataan ko. Ang payat ko pa noon, kulot ang buhok na parang kord ng telepono, maitim (pero sabi nila blak byuti daw ako, hindi yung kabayo ha). Malaki na talaga ng tsik bowns ko, tsaka isnabera talaga ako, naalala ko pa, may mga hayskul istudents na nagsabi: “waw! Ang kyut mo naman , atsaka yung buhok mo” tas ang ginawa ko, tumakbo ako at inisnab ko sila. Kapal talaga ng pagmumukha ko.

Masaya noon, lalo na pag praydey, kasi PE daw yun, pero ang totoo nyan, puro lang kami laro. Hahaha. Kaya masaya talaga, naka tisyert at syorts lang kami, lagi ako naka pingk noon, pati yung tsak taylors ko na haykat kulay pingk din. Buong umaga kaming naglalaro kaya masaya.

Hindi nga pala ako nag kinder wan noon, kasi pasado naman daw ang aykyu ko para sa kinder tu, akalain nyo nga naman, mataas din pala ang aykyu ko. Hahaha. Ang totoo din nyan, ang mama ko ang nagturo sa akin mag sulat at mag basa ng tagalog at inglis, greyd wan ako nung hindi ako pinatulog ng mama ko hanggang hindi ko kayang basahin yung isang istorya sa libro namin dati, maganda naman ang naidulot nun. Ayos lang din.

Wala ako maisip na memoris ko nung greyd wan, ang naalala ko lang talaga ay lahat ng nowtbuks ko, kulay pink ang kober. Hehehe. Barbi syus, barbi na baunan, barbi na bag, barbi na pensil keys at barbi na pensil at ereyser! Puro barbi. Hanggang nag greyd tu yata ako, puro barbi pa din. Ako si barbi gerl. Hahaha.

May aydiya na ako tungkol sa iba-blag ko sa mga susunod na araw, yung mga memoris ko nung bata pa ako. Hahaha. Wag kayo mag alala, wala akong imaginari prends noon. Hahaha. Pwede din namang mga memoris ko nung kaleyds pa ako. Mas nakakatawa yun.

Minsan nagtataka ako, madami pa din kasi ako naaalala nung bata pa ako, pero ngayon, halos wala na… syempre, kalokohan naman pag sinabi kong walang wala na di ba? Meron pa din, pero pinilit yata ng utak ko idelit e. Tsaka medyo malala na ang memori laps ko ngayon. Ulyanin na ako, hahaha. Siguro kaya madami ako naaalala dati, kasi masaya ako noon… ganun na nga siguro.

Hindi pa din ako inaantok, pagka powst ko nito, hindi ko pa alam ang gagawin ko, bahala na si batman, pero gusto ko si superman, kaya bahala na si superman, pwede din namang bahala na ang buong jastis lig! Hahaha. Biro lang, baka naman isipin ng iba ay napapraning na ako. Tamang wala lang ako magawa at hindi ako makatulog. Ano nga ba naman ang bago??? Sa gabi este sa madaling araw na ito…

Sana alas kwatro na ng madaling araw, kasi paniguraduhan, medyo aantukin na ako nun… lalo na kung sasabihin nanaman ng mama kong: “aba, cil matulog ka na… umaga na, bawal nga ang nagpupuyat sayo, aba naman…” hays, kung alam lang ng mama ko, kung gusto nya ako matulog, mas gusto ko lalo ang makatulog na…



ngayong umaga ko lang naipowst ang blag ko kasi kanina madaling araw, pag bukas ko ng internet eksplorer ay wala napala akong balans sa akawnt ko… kaya talagang magpapakabit na kami ng brodband, nakakainis lalo na pagmadaling araw na at nawawalan ng lowd ang wayrles koneksyon ko… wala na ako mabibilan ng lowd. Naku talaga nga naman… pasensya na sa leyt powst.

Hindi ko pa din tapos ang libro na binasa ko kanina. Nuknukan talaga ako… hays.

2 comments:

BarneyBabybopBj said...

.hahaha!!! galing muh kc nkaya muh mgtagalog ng straight lht!!!

grabe..
galing muh!!!
hehehe

Kring said...

salamat. =)