Alas nuwebe yata ng umaga ang eksam ko noon sa Mapua (ang pangarap kong iskul). Lumuwas na kami ng mama ko sa Makati, isang araw bago pa ang eksam, kung bakit ba naman ang aga ko gumising e medyo na huli pa din ako ng konti, minuto lang naman pero nakaupo na sa mga asaynd sits ang mga kasama ko. Ang naaalala ko pa yatang nirekwest kong umagahan ay pritong itlog at ketsap, na madalas kasabihan ng mga tanderkats (aka. mga oldis) e itlog din daw ang magiging iskor kapag may eksam. Basta, Masaya na ako sa pritong itlog noon.
Nakapag eksam na ako sa UP at UST noon, hindi naman ako masyadong kinabahan, pero syempre, mahirap ang mga tanong… kung bakit ba naman nung sa Mapua na, ay nuknukan naman ang kaba na nararamdaman ko, siguro kasi ayoko talaga bumagsak sa eksam nun… dahil talagang gusto ko mag aral sa Mapua. Pag hindi sa Mapua, wag na. hahaha.
Habang nag eeksam, lahat yata ng isinagot ko ay may kasamang dasal, hindi ko nga alam kung nahirapan ako sa eksam o nahirapan ako dahil sa kaba, nasagutan ko naman lahat, may mga siguradong tama at siguradong mali. Hahaha. Pag labas ko sa eksamineysyon rum (na naging laybrari na nung pasukan), ang itinanong sa akin ng mama ko: “Ano cil? Okay lang ba?” ito ang isinagot ko: “Ayos lang…” na inabot pa yata ng ilang segundo bago ako makasagot. Naku naman… sa totoo lang naman po, nung nakaraang dalawang eksam ko, ang isinagot ko ay: “Oo naman.” Hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko…
Lumipas ang mga linggo, hindi ko iniintay ang resulta ng eksam, ayoko malaman ang resulta, lalo na kung bagsak ako… at habang nasa klase ako, sa Pilipino sabjek nung portyir hayskul, naka tanggap ako ng teks meseydg galing sa kuya ko, tandang tanda ko pa, ito ang pagkakasabi nya: “psado ka mpua, ce” Naku!!! Gusto ko tumalon sa malaking bintana ng klasrum namin sa sekond plor ng hayskul kwadrangel. Hahaha. Isa na siguro yun sa masayang memoris ko noon. Simple tsaka mababaw kung titignan, pero masaya naman. Ewan ko ba, ganun lang talaga ako, mga simpleng pangarap ko.
Sabi nila masaya ang haysul layp, oo masaya din naman ako, pero talaga sigurong kakaiba ako, mas iniintay ko ang kaleydg. Wirdo nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko e. Hahaha.
Ang entrans eksam ko nga naman noon.
Madami akong Mapua memoris, masaklap at masaya. Mga kaibigan. Mga sabjek na inaayawan at sabjek na kinagigiliwan. Mga propesor na okey pa sa olrayt at mga propesor na kung pwede lang mamatay nalang kesa ang pumasok sa sabjek nya, ay mas pipiliin ko pa ang mamatay. Hahaha. Mga pagtambay-tambay sa holweys at payr eksit ng bawat bildings. Ang napakasikat na kantin dahil sa aroma na dulot nito. Hahaha. Madami nga talaga.
Maiba-blag ko din ang mga yun. Mas okey kasi kapag bukod bukod ang pagka blag. Hahaha.
Ito ang alaala ng isang entrans eksam na hindi ko makakalimutan.
No comments:
Post a Comment