Oo. Ang hirap talaga makatulog… ilang gabi nanaman akong ganito. Nandyan ang magpabaling-baling ako sa higaan, ang magbukas-sara ng pc para mag internet, manood ng walang katapusang naruto sa dvd (episode 92 na ako, naruto shippuden) nakakabisado ko na nga ang mga lyrics ng kanta sa naruto, ang magbukas ng tv at magpalipat-lipat ng channels na sa dami ay wala ako mapiling panoodin, ang magbasa ng buong twilight na series na naka 3 beses na yatang akong nakatapos.
Napakahirap talagang matulog. Sa hndi ko malamang dahilan. Madalas alas kwatro na ng umaga ay gising na gisng pa din ang diwa ko. Ang totoo nyan, pinapangarap ko talagang makatulog bago mag alas dyes manlang sana ng gabi. Naku, gudlak sa akin.
Kaya ito, nag blog ako. matagal na din ako hindi nagpo-post ng mga blog nitong nakaraang mga linggo… tinatamad kasi ako… himala, dahil halos araw-araw yata ako kung mag blog.
Kung pwede lang lumaklak ako ng isang bote ng pampatulog, gagawin ko talaga, problema lang wala ako nun. Minsan gusto ko sabihin sa kuya kong: “kuya, suntukin mo nga ako ng isa, yung tipong tulog ako pagka suntok na pagka suntok mo ha”. Baka kasi hindi tumalab yung suntok nya, eh masuntok ko din sya ng isa, baka imbes na ako ang makatulog eh sya ang mawalan ng malay.
Madami lang din siguro akong iniisip ng mga nakaraang araw… (ay hindi pala, lagi kasi ako nag iisip simula nung nagka isip ako, ah ewan ang gulo…) nag iisip nga ako ng pwedeng e-blog, at ito ang naisip ko. Tutal pwede ko naman e-blog ang kahit na ano, wag lang ang nakakasakit ng ibang tao.
Gusto ko nga mag-blog ng aking Bucket List, new and improved. Kayalang hindi pa kumpleto kaya sa ibang araw nalang siguro. Naisip ko din ang mag-blog ng tungkol kay naruto (hahaha), siguro dahil na din sa walang kasawaang panonood ko ng mga dvd.
At bago ko nga pala makalimutan, nami-miss ko na ang mapua. hahaha. Tama, tama ang nababasa nyo, kasi mag-aaral ulit ako. sa Mapua. At hindi ako magsisisi sa mga araw, gabi, linggo at buwan na wala nanamang tulog, dahil sanay na sanay na ako. kaya Mapua, here I come!!! “We will strive for the fame and the Glory of the M and the I and the T. *wink* “Cecille, ang pagbabalik…” cecille nga ba? Mas kilala kasi akong Kring sa Mapua, katulad ng tunog ng telepono pag may tumatawag.
Makakailang post kaya ako ng blog ngayon? malaman nasa dalawa o tatlo. At kung ilan man sya, ay naka isa na ako.
No comments:
Post a Comment